Showing posts with label about me. Show all posts
Showing posts with label about me. Show all posts

Monday, January 12, 2009

New Year, New... andaming new...

New Year New Life.... itong year na toh grabe parang ang daming daming nangyari sa buhay ko... hehe... all my life ako ay isang mabuting bata, walang bisyo... masipag, laging nasa loob ng bahay, nakakulong, parang di nageexist sa outside world...

Sa Street namin, which is Phase 5b.. may mga tropa tropa... aminado akong di ako kabilang doon dahil nga di ako lumalabas masyado para makibonding ever since.. sobrang pili lang ang taong nakakausap ko, ung mga tipong since childhood na friends lamang. At ung tipong magkatapat lang kayo ng bahay di pa rin kayo nagkikita kita, tuwing may occasion at kami ay magmemeet, kala mong isang taong di nagkita.. pero sa totoo lang halos ganun na nga..

Until dumating ang Christmas party sa street namin... yearly may ganuon pero ito ang masasabi kong pinakamemorable dahil dito nagstart na ako'y maging "belong". Anu kaya un??? eto malalaman nyo...

After Xmas party nagkayayaan uminom. Graduate nako, wala nako pasok, matanda na ako, kaya naisip ko ok lang na magjoin sa kanila, may kasama naman ako na kakilala ko.. ung mga kainuman namin ang di ko kakilala or di ka close.

Nakakatawang isipin, tama lang nman kung tutuusin, na kung kailan ako naggraduate ay duon ako nagliwaliw.. hehe... umiinum ako pero sobrang light lang... Pero nung nakasama ko sila, wow.. an sarap pala uminom lalo na kung masaya ang mga kasama... nalasing ako.. period. hehe...

Aw.. sa event na un ang dami kong nakilalang kapitbahay in fairness, ung tipong 2 years na daw sila nandun pero ngaun ko lng nakita pagmumukha nila.. talagang ganun ano... Actually mga barkada din ng nakababata kong kapatid ang mga un, ayun friends ko na din sila... dun lang nalaman ng iba na may ate pala ung kabarkada nila na kapatid ko, hehe...

get together - after xmas party

after xmas, new year naman.. so syempre, ako ay belong na kaya nakisama nanaman ako sa jamming nila, ang saya grabe... ang saya palang na magkatropa ka ng ganun, haha... di ko nmn sinasabi na wala akong kaibigan, ung mga friends ko kasi talaga mga tipong goody goodie talaga.. kaya ayun, maganda namang may mixture diba, para colorful ang life. hehe...

at nakalipas ang mga araw, halos araw araw akong natambay sa labas, nakikipagkwentuhan, nakikipagchismisan, inuman ng wala nmng okasyon? Pagala gala.. hahaha... tsaka nako magkwento ulit, niyayaya na ako tumambay ulit eh,. hahaha... basta masasabi ko lng ako ay isa ng member ng tropang 5B. at ang saya saya... hehehe...

tropang 5B - new Year bonding...:)

Monday, January 5, 2009

Holiday Recap - Christmas... :)

hay guyz, nako medyo napabayaan ko n tung blog na toh, masyado ako nawili itong holiday... grabe saya kasi...

anu nga ba nangyari sa Pasko namin???

hahaha... masaya... nakaugalian na kasi namin na magsama sama magpipinsan every christmas... nagsimula un mula nung nagkasakit ung lolo ko, ngaung wala na ung lolo ko, tuloy tuloy na and ganitong tradition..

So un... nung 24 ay nagsidatingan na sila... potluck kami pero dahil sila and nagmukhang bisita dahil bahay namin un ay kami halos ang maraming mashare na food.




Videooke, kwentuhan, tawanan, chismisan, inuman ng wime ang gimik before mag midnight... ung iba nga nakatulog, pano di sanay magpuyat.. then nung sumapit na ang 12 am, ayun chibogan na!!!

at syempre hindi pwedeng ganun lang, minsan lang kmi magsama sama ng ganun kaya... aba nagpalaro ang aking kuya.. hahaha.. ang LARO.. hep hep! Hooray!!! hahaha.. kulet... tapos next game, hulaan ng title ng song at kailangan makanta mo ang chorus.. di naman masyadong halata na kapamilya kami??? hehe..



syempre hindi naman pwede na kmi kming teens lang ang maggagames, syempre may adult din... at ang LARO - Stop Dance! nyahahaha...




at natapos ang katuwaan dahil sa games, pero di pa nagtatapos ang program... may gift giving pa.. ang pinakaiintay ko.. walang bunutan ito ladies and gentlemen, ito ay pagbibigay ng gift kung knino mo gusto, voluntary, bale ako, nagbigay ako sa lahat... hehe, obvious naman dahil napuno ung christmas tree namin? hehe...



marami rami ang aking nakuhang gifts... at marami ang nakarecieve ng gifts from me... masarap mamigay itong christmas, lalo na kung mula sa puso.. hay new year nanaman... kamusta kaya ang 2009 ko??? :)

Sunday, October 26, 2008

My New LayOut...

I just found the perfect layout for this blog... why did I chose this layout??? Kasi kamukha ko ung girl... *feeling cute | Hehe... kamukha ko sya in a way na same kami ng eyes, kasi chinita akow... *ChingChoayLa! Marami nang nagtatanong kung may lahi ako, kung chinese or korean, ganun.... pero sabi ko pure pinoy, at sa surname, San Agustin, anung chinese or korean dun? hehe.. pero sa totoo lang nagdadawang isip ako, di kaya 1/8? 1/16?Nyahaha.. feeling nanaman...

eto ako:
So anu sa tingin nyo?? (feeling ulit, pinagpipilitan..) hehe...

Kasi ung Daddy ko nako yun mas singkit pa sakin, mukha talagang intsik, kaya lang iniwan na nya kmi... (ayoko kong umiyak), Oi di pa sya wala sa mundong ito! andun sya somewhere... I mean nagseparate na sila ng mom ko nung bata ako, ayun... di ko natanong sa kanya kung may lahi ba sya, hehe... yoko naman kayang itanong sa nanay ko mamaya sakalin ako nun, hehe joke lang.. ayun lang nmn, basta as for now, ako'y isang pinoy.. sa puso't diwa, pinoy sa isinilang sa ating bansa... pinoy ako ng pinoy, eh Pinay kaya dapat! ako po'y babae..

anyways, san na ba ako napunta... template pinaguusapan natin.. hehe

Ayun, I just spotted a quite good template for this blog, kaya lang i find it a bit narrow eh, an sikip, di ako makahinga... lalo na sa sidebars, tingnan nyo ung before pic, kaya what i did was to yeh know, make edit sa template codes.. haha... I just learned how to few weeks ago... then ayun, I edited the width of the main wrapper, body and the side bars, ung header tsaka ko na aayusin, sakit na ng likod ko eh, hehe.. ieedit pa kasi un and iuupload ulit, pero ok nmn eh, di na halatang parang naputol, binuking ang sarili.. hehe.. See nyo ung after ok na... Success! Loved my template! :)


Sobre a Felicidade

About This Blog

i am Mai... 2008 © Blog Design 'Felicidade' por EMPORIUM DIGITAL 2008

Back to TOP