Showing posts with label party. Show all posts
Showing posts with label party. Show all posts

Sunday, February 1, 2009

PartyPipz

Nung nakaraang gabi galing akong party. First time ko lang dumalo sa isang party na majority ang lalaki at ang main event ay inuman. Puro lalaki kasi na magkaibigan ang nagcelebrate ng birthday nila. Dahil doon syempre marami ang guys na ininvite, mga tropa pips. So mabenta ang beauty ng lola mo. Ngaun ko lng na feel ang ganung kaexpose sa mga kalalakihan, dahil usually pag mga party na dinadaluhan ko puro babae ang majority. Kasabay kong pumunta ang 3 kong friendly neighbors, isang girl at dalawang guy, which ang isa ay *may something samin. Ehehehe...

Ang sarap ng food, which is sila sila lang ang nagluto, saglit lang ang kainan, onti lang naman ang food dahil ang main event nga kasi ay inuman. Hehe.. tagay! at so ayun. An dami kong nakilala, nakausap.. nakachikahan... Di ako ang lumalapit sa mga guys, sila ang lumalapit sakin para makipagkwentuhan. Hehe.. oh diba ang haba ng hair. ung iba pa nga ay *napaka small world* kakilala nila ang mga friends at iba kong kakilala, and isa ay cousin pa nung isa kong kakilala sa school. hehe napakasmall world. Ung tipong, eh kilala mo si ganyan? ah talaga! oo kilala ko un.. eh si ganyan??? hehehe.. Waw pinsan mo un? weheheh.. okay... galeng.. Ayun.. inabot kmi ng 4am doon, grabe diba. Okay lang un.. di na ako bata, pero inaalala ko ung mga kasama ko kasi dalawa doon ay may pasok pa, oh diba pasaway.

Ang saya sobra, di ako nalasing pero ok lang na tama lang ang amats kasi medyo magcocommute pa kami, di malayo pero lam mo un. Hehe pero nagenjoy ako sobra. Sana maulit...Malapit na ang bday ng kapatid ko, itong feb.. hehe...inuman nanaman siguro.. wehehehe..

Monday, January 5, 2009

Holiday Recap - Christmas... :)

hay guyz, nako medyo napabayaan ko n tung blog na toh, masyado ako nawili itong holiday... grabe saya kasi...

anu nga ba nangyari sa Pasko namin???

hahaha... masaya... nakaugalian na kasi namin na magsama sama magpipinsan every christmas... nagsimula un mula nung nagkasakit ung lolo ko, ngaung wala na ung lolo ko, tuloy tuloy na and ganitong tradition..

So un... nung 24 ay nagsidatingan na sila... potluck kami pero dahil sila and nagmukhang bisita dahil bahay namin un ay kami halos ang maraming mashare na food.




Videooke, kwentuhan, tawanan, chismisan, inuman ng wime ang gimik before mag midnight... ung iba nga nakatulog, pano di sanay magpuyat.. then nung sumapit na ang 12 am, ayun chibogan na!!!

at syempre hindi pwedeng ganun lang, minsan lang kmi magsama sama ng ganun kaya... aba nagpalaro ang aking kuya.. hahaha.. ang LARO.. hep hep! Hooray!!! hahaha.. kulet... tapos next game, hulaan ng title ng song at kailangan makanta mo ang chorus.. di naman masyadong halata na kapamilya kami??? hehe..



syempre hindi naman pwede na kmi kming teens lang ang maggagames, syempre may adult din... at ang LARO - Stop Dance! nyahahaha...




at natapos ang katuwaan dahil sa games, pero di pa nagtatapos ang program... may gift giving pa.. ang pinakaiintay ko.. walang bunutan ito ladies and gentlemen, ito ay pagbibigay ng gift kung knino mo gusto, voluntary, bale ako, nagbigay ako sa lahat... hehe, obvious naman dahil napuno ung christmas tree namin? hehe...



marami rami ang aking nakuhang gifts... at marami ang nakarecieve ng gifts from me... masarap mamigay itong christmas, lalo na kung mula sa puso.. hay new year nanaman... kamusta kaya ang 2009 ko??? :)

Friday, October 31, 2008

Happy 2nd B-day to our Antoine...

Si Antoine, inaanak ko and ng mga friends ko, ung friend ko kasi ginawang ninang at ninong kming close classmates nya nung highschool...

Nakakalungkot dahil di daw sila makakapaghanda itong second bday ni Antoine. Ang hirap ng pangalan nya kaya ginagawa ko nalang Anton pag tinatawag ko sya, hehe... Medyo gipit daw kasi sila ngaun...

So nagplano kming apat na magkakaibigan para sa aming inaanak, gusto namin bigyan sya ng maliit na handaan manlang diba, and at the same time, bonding na rin namin.

October 23 ung bday ni baby pero after 1 week pa namin nagawa ung party kasi busy mga tao. Ayun bumuli lang kami ng food. Cake, pancit palabok, macaroons at ice cream. Bale nagambagan lang kming apat sa food. Actually ilan lang kming nagplano nun, di naman namin akalain na magyayaya ung tatay nung baby ng iba pang friends, hehe.... Ung mga classmates din namin nung highschool ung ininvite nya...

mga magagandang ninangs, nyahahah!





me and Antoine cutey...


Natutuwa ako kay Antoine kasi ang takaw nya, ang cute cute pa.. Nilantakan agad ung isang ice cream na nasa cup, di tinigilan... Tapos natatakam na yata sa cake kasi dinudutdot na ng daliri nya, hehe...


Antoine, naking dutdot the cake, huli ka boy!

nakatatlong blow yan si Antoine, natuwa kasi sa pagbblow... haha.. :)

Ayun... ok naman ung mini celebration, ang sarap ng nabili namin na palabok syet*! Sobrang sarap pramis... an dami kong nakain! At medyo naginuman kasi may mga guys kmi na kasama, eh di nakiinom na rin ako, hehe...

Puro kwentuhan at tawanan, ung mga guys kasi namin ay likas na comedian kaya tawanan kmi ng tawanan, hanggang sa nakatulog na si baby kaya kmi kmi nalng nag natira sa labas... Super sumasakit na kaya ung panga ko sa kakatawa, loko mga un ayaw tumigil sa pagpapatawa... Inabot kmi ng madaling araw, di pa naman ako nagpaalam mabuti, sabi ko lang may pupuntahang birthday, sabay alis agad.

magfoFour a.m. na nun, naisip ko ung tita ko nagigising na ng 4 kaya medyo nagpahiwatig nako na ubusin na nila ung iniinum nila at madaling araw na... Dapat akong makauwi bago magising tita ko hehe... saka baka mamaya maamoy ako kasi medyo uminom din ako...

Mabuti naman hinatid kami nung isang friend namin, nasa isang subdivision lang naman kasi kmi, hay salamat bukas pa ang gate, pagpasok ko, syet* nakabukas na ung ikaw sa kwarto ng tita ko, dali dali akong tumakbo sa kwarto ko, nagmadaling nagayos, at natulog na... Hindi ako nahuli... hehe... Parang walang nangyari...

Sana matuloy ang pinaplano naming Halloween Party.. excited nako makabonding sila ulit..

mga makukulit kong friends, ung nakawhite ang daddy ni Antoine


Wednesday, October 29, 2008

At Ako'y Muling Lalamon

Bukas ay magsisipuntahan ang mga kamaganaks namin dito para sabay sabay kming magvivisit sa lolo ko sa sementeryo, excited nako kasi namiss ko na mga cuz ko eh, magbobonding nanaman kmi, at sino bang mas hindi maeexcite kung may munting handaang magaganap. Hehe.. ako'y muling lalamon dahil mahilig ako sa handaan (dahil sa pagkain), yun ay mini celebration lang pero I'm sure marami pa rin food. Ngaun nga nagluto na agad yung tita ko ng cassava cake para bukas, tinanong ko sya kung pwede nang bawasan, hahaha! Favorite ko kasi un, lalo na ung may latik sa taas, eh sabi nya ok lang daw kasi dalawang malaking tray naman un. So ibig sabihin pwedeng akin na lng ung isang tray tapos ung isa para sa kanila bukas, nyahahahaha!!!! Masiba ba? syempre di ko kayang ubusin un... hehe...

Eto nga't maluluto na ang cassava cake, tamang tama pang merienda.


Mamayang gabi pala alis ako, birthday kasi ng inaanak ko at kasama ko ang mga highschool friends kong ninang din. Actually walang handa, pero kasi naawa naman kmi sa inaanak namin, birthday nya tapos wala manlang gift from his ninangs kaya pupunta kmi sa kanila at magdadala ng gifts, saka food na rin.. hihi.. Nalate kami kasi... last week pa birthday nun eh... haha... Busy kasi kaya ngaun lang nagkaoras...


Kain muna ako cassava cake, hehe.... bye guys..


Sobre a Felicidade

About This Blog

i am Mai... 2008 © Blog Design 'Felicidade' por EMPORIUM DIGITAL 2008

Back to TOP