Hi guys, ang tagal ko yatang nawala, panu kasi schedule namin ng IV Therapy, requirement kasi na magka IV Licence ka muna bago magwork sa mga hospitals as a nurse kaya nagenrol ako for that. Three days sya at naenjoy ko naman, kasi libre yung food! nyahahaha!!!
Biruin mo dalawang beses ang snacks, umaga at hapon tapos kasama din ang luch. Oh diba, nasira ang diet ko dun, naisip ko din kasi parte un ng aking bayad kaya di ko pwedeng hindi ubusin ayun!
Ung 3rd day at demo na, nagturukan kami sa isa't isa, hwaaw! ung partner mo at ikaw ay talagang tuturukan ng IV needle sa kamay(metacarpal). Hindi naman ako naoospital, wala pako experience na natuturukan ng IV kaya natakot ako! wah sobrang sakit nun iniisip ko palang napapaaray na ako.
Bale nung turukan moment na ay ako ang napiling maunang tumurok sa aking partner. Kailangan mong mahit ang vein para ikaw ay masabing "in" na. Tinusok ko na ang karayom sa kanyang balat at sobrang nasaktan sya, sinu bang hindi. Nasasaktang nagpipigil, kasi kailangan... feeling ko malalim na ung napasok ko pero wala pa rin backflow ng dugo, dun mo kasi malalaman kung nahit mo na ung vein. Sabi ng instructor, onti pa onti pa.. Sobrang dinahan dahan ko kasi feeling ko nga malalim na ung tinurok ko.
Eh bwisit ung instructor namin, masyado ytang mababa ang kanyang pasensya, lumapit sya sakin at sya ang nagtulak pa ng needle, pagtulak nya ng onti nagkaruon na ng backflow. Nakakainis naman sya, onting tulak ko nalang yun mapapabackflow ko na eh, kundi lang nya naagaw. Ayoko namang magrequest na umulit kasi kawawa naman ung partner ko. Hehe... pero ok naman at least naexperience ko pa rin.
Eto.. nung ako naman ung tinurukan, wahhh!!! pagpasok na karayom an sakit talaga!!! Parang gusto kong manipa! haha! grabe talagang sakit. Ito pang malala, malalim daw ang vein ko kaya parang nahirapan ung partner ko. Akalain mong inagaw nanaman ng instructor ung kamay ko at sya ang nagpatuloy na tumurok, hindi nahanap kaagad kaya nag"fishing" sya. Anak ng tipaklong!!! Kung alam nyo lang kung gano kasakit!!! ang fishing kasi, nasa loob na ung karayom, pag di na hit ung vein, ang ginagawa ay parang kinakalikot ung needle sa loob hanggang sa mahit ang vein, ung tipong parang sa halip na isang way lang ung pagpasok ng needle, tumutusok din sya pakanan, pakaliwa, sa gitna, basta lang mahit ung vein, wawa ako! pero nahanap din ang aking vein, hay... At aray ulit kasi an sakit ng paghugot ng needle.. huhu.. buong araw sumakit ung insertion site, namasa onti, pero that's ok at least marunong na rin kami kahit papano.
Next step, completion na, magduduty kmi sa hispitals para manurok, haha... after matapos ang required number of cases pwede na kami maapply for IV license. Hay sana matapos na... :)