Monday, November 3, 2008

Excited sa Pasko

Alam nyo ba wala pang November may mga nakikita na akong bahay na punong puno na ng christmas lights at decor... Grabe ano, napakaexcited, pero di naman sa kinukutya ko sila... Sabihin na nating talagang excited na sila sa Pasko bagamat Oktubre pa lamang po.

May isa din akong kaibigan na Oktubre palang ay may christmas tree na sa bahay.

Ngayon, marami na sa aking mga kapitbahay ang nagsisipaglagay na ng kani kaniyang dekorasyon at christmas lights sa labas ng bahay, di naman ako nainggit.. pero ang tita ko.. OO...

Nung Nov.1 ay lumabas kmi ng kuya ko, umaasang may bukas na mga computer shops kasi nasira ang isang computer at pasukan na sa Nov. 3 kaya dapat na itong maayos. Sa kasamaang palad, di man inannounce na holiday pero ung ilang shops sa mall ay sarado particular ang computer shops, sinubukan lang namin ng kuya ko eh, syempre mas maganda kung maaayos agad ung computer.

Dahil sa wala namang nangyari ay kumain nalang kami at umuwi na. Paguwi ko nagulat ako at nakatiwangwang na ung christmas tree sa sala. Sabay utos sakin ng tita ko na lagyan ng ko na daw ng decoration. And so, nagayos kami ng christmas tree ng November 1, ang saya ano..., may xmas lights pa un... haha...

Kayo? Excited na rin ba kayo at naglagay na ba kayo ng decorations para sa pasok??? Hehe...


salamat pla kay Batanggerong Vhonne sa award na ito...

May ruls pa ang nasabing award na ito. Idikit ang pangalan ng taong nagMAHAL sa'yo ('yung nagbigay ng award sa'yo). Ilathala sa blag mo. Igawad ang nasabing award sa pitong taong MAHAL mo. At ipaalam sa kinauukulan mga taong ginawadan ng award na sila ay nakatanggap nito.

7 comments:

bagito November 4, 2008 at 12:18 AM  

katatapos pa lang po ng undas... hahaha sabagay.. malapit na din nu yir... tapos ganun din yung balentayms dey.. hehehe

Anonymous November 4, 2008 at 12:48 AM  

Hey salamat sa award mai. :)

Mai November 4, 2008 at 3:19 AM  

oo... sana may ka valentines ako.. haha.. (asa pa)

Roland November 4, 2008 at 8:03 AM  

10 yrs ago, sa bahay namin october pa lang may xmas tree na... wala lang, nakasanayan na kasi.

salamat nga pala sa award... will do the same, one of these days.

Myk2ts November 4, 2008 at 4:27 PM  

karirin ko yan soon :) salamat sa award :) ako nga ren magkakabit na ng mga palamuti sa off :) tctc po

JAJA NOBLE November 5, 2008 at 4:27 AM  

pro ako rn exited na s pasko!hehehehehehehh!!

Vhonne November 7, 2008 at 7:00 PM  

excited na sila sa pasko... sana maramdaman ko din un... lol...

Sobre a Felicidade

About This Blog

i am Mai... 2008 © Blog Design 'Felicidade' por EMPORIUM DIGITAL 2008

Back to TOP