Friday, October 31, 2008

Happy 2nd B-day to our Antoine...

Si Antoine, inaanak ko and ng mga friends ko, ung friend ko kasi ginawang ninang at ninong kming close classmates nya nung highschool...

Nakakalungkot dahil di daw sila makakapaghanda itong second bday ni Antoine. Ang hirap ng pangalan nya kaya ginagawa ko nalang Anton pag tinatawag ko sya, hehe... Medyo gipit daw kasi sila ngaun...

So nagplano kming apat na magkakaibigan para sa aming inaanak, gusto namin bigyan sya ng maliit na handaan manlang diba, and at the same time, bonding na rin namin.

October 23 ung bday ni baby pero after 1 week pa namin nagawa ung party kasi busy mga tao. Ayun bumuli lang kami ng food. Cake, pancit palabok, macaroons at ice cream. Bale nagambagan lang kming apat sa food. Actually ilan lang kming nagplano nun, di naman namin akalain na magyayaya ung tatay nung baby ng iba pang friends, hehe.... Ung mga classmates din namin nung highschool ung ininvite nya...

mga magagandang ninangs, nyahahah!





me and Antoine cutey...


Natutuwa ako kay Antoine kasi ang takaw nya, ang cute cute pa.. Nilantakan agad ung isang ice cream na nasa cup, di tinigilan... Tapos natatakam na yata sa cake kasi dinudutdot na ng daliri nya, hehe...


Antoine, naking dutdot the cake, huli ka boy!

nakatatlong blow yan si Antoine, natuwa kasi sa pagbblow... haha.. :)

Ayun... ok naman ung mini celebration, ang sarap ng nabili namin na palabok syet*! Sobrang sarap pramis... an dami kong nakain! At medyo naginuman kasi may mga guys kmi na kasama, eh di nakiinom na rin ako, hehe...

Puro kwentuhan at tawanan, ung mga guys kasi namin ay likas na comedian kaya tawanan kmi ng tawanan, hanggang sa nakatulog na si baby kaya kmi kmi nalng nag natira sa labas... Super sumasakit na kaya ung panga ko sa kakatawa, loko mga un ayaw tumigil sa pagpapatawa... Inabot kmi ng madaling araw, di pa naman ako nagpaalam mabuti, sabi ko lang may pupuntahang birthday, sabay alis agad.

magfoFour a.m. na nun, naisip ko ung tita ko nagigising na ng 4 kaya medyo nagpahiwatig nako na ubusin na nila ung iniinum nila at madaling araw na... Dapat akong makauwi bago magising tita ko hehe... saka baka mamaya maamoy ako kasi medyo uminom din ako...

Mabuti naman hinatid kami nung isang friend namin, nasa isang subdivision lang naman kasi kmi, hay salamat bukas pa ang gate, pagpasok ko, syet* nakabukas na ung ikaw sa kwarto ng tita ko, dali dali akong tumakbo sa kwarto ko, nagmadaling nagayos, at natulog na... Hindi ako nahuli... hehe... Parang walang nangyari...

Sana matuloy ang pinaplano naming Halloween Party.. excited nako makabonding sila ulit..

mga makukulit kong friends, ung nakawhite ang daddy ni Antoine


1 comments:

WorldmedTourism December 1, 2008 at 2:12 PM  

Hi - Just read u blog - really well written

Sobre a Felicidade

About This Blog

i am Mai... 2008 © Blog Design 'Felicidade' por EMPORIUM DIGITAL 2008

Back to TOP