Friday, October 10, 2008

Ulam na Bangus

My bro texted me to call my Terror Lola(nayanig ang mundo), para sabihing di sya makakapunta kasi blah blah blah blah... ayun so tumawag ako, then I informed her about sa bilin ng bro ko, actually nung bata ako dun sya terror, sya kasi nagalaga sakin, aunt sya ng dad ko, pero ngaung malaki na ako at wala na ako puder nya, takot pa rin ako sa tutuo lng, hehe...

Mahirap pag may nagawa kang kalokohan, nakakatakot kasi manermon un... kay pag kausap ko sya, nagpapakasweet ako, ( hi lola, luv yah! parang ganun!) hehe hinde, basta i'm watching my words pag nakakausap ko sya...

So eto na, nasabi ko na ang bilin ni kuya, ok naman... pero medyo nagchikahan pa kmi.. then nagtanong sya, Kumain na ba kayo?!? agad kong sagot...

ako: Ay opo! tapos na po...! (sa aking isipan: OW my gash! di pa pla ako kumain, bat ko sinabing oo!?! - baka kasi pagsabihan pako na gabi na at bakit di pa ako kumakain! nagdidiet kasi ako eh! eh ayaw nya ng hindi kumakain!!! waaaah!!! kaya unconsciously nasabi ko na tapos na... )

Lola: oh... eh ano ulam nyo???

(amf!!!! di ako pumunta ng kusina kaya di ko alam kung ano ang ulam!!!! waaah!!! pero kailangan ko sumagot agad, alangan nmn sabihin kong di ko alam eh I just said na tapos na ko kumain!!)

ako: ah.. Bangus po! hehe...

Lola: bangus? anung luto??

ako: (Pinagpapawisan)... pinirito po...

usapan namin.... etc. etc. at BABA ng phone..

whew! that was close!!! anu bang nagawa ko, imbento ek ek... ewan ko ba ambilis ng pangyayari, di ko na magawang bawiin mga sinabi ko.. ehehe.. takot kasi...

So napaisip naman ako kung anu nga ang ulam namin that night, so pumunta ako ng kitchen, nakatakip na ang ulam at pagbukas ko..... TANTANANAN!!!!! Bangus! Piniritong Bangus! as in fried bangus!!! Nyahahaha!! akalain mo nga naman... tsambalero!!! wahahaha! eh di ang nangyari parang di ako nagsinungaling at nangimbento, hahahaha!!! Love you Lola!!! Hihi...

0 comments:

Sobre a Felicidade

About This Blog

i am Mai... 2008 © Blog Design 'Felicidade' por EMPORIUM DIGITAL 2008

Back to TOP