Wednesday, December 17, 2008

Early Packaging of Xmas Give Aways

Wala akong magawa kaya niyaya ko na ung tita ko nung nagggrocery kmi na mamili na ng mga candies na pang give aways sa Christmas. Give aways sa mga Un bang kumakatok sa bahay mo tuwing dec. 25 at sasabihing "Merry Christmas Po!!!"

GAnun kasi samin, sa inyo ba ganun din? Nakkahiya na rin kasi nung may mga batang nangangaroling dito at lagi nalang namin sinasabing "TAWAD!!" kaya naman nagprepare ako this coming Christmas day ng mga give aways na pwedeng ibigay.

Candies, chocolates, chips at kung anu anu pa, kahapon tinapos ko ng ipackage lahat. Excited ako, marami rami din akong nagawa halos 80 packs yun. Baka kasi mabitin like last year, naubos agad ung napack namin. Iba kaya ang feeling ng alam mong kahit papano ay nakakapagbigay ka lalo nat sa araw ng Pasko... :)

Saturday, December 13, 2008

Baguio Trip...

hi Guys... sorry ngaun lang ako nakapagpost ulit eh... medyo busy this past few days AND I just came from our trip to Baguio with some friends. Haaay... until now namimiss ko pa rin dun.. an tagal ko dun in fairness.. about 10 days? pero masasabi kong bitin and bakasyon ko dun.. kasi ba naman nung first few days andun lang kmi sa bahay at nagpalamig.. harhar..

kasi nagboard exam ung friend ko dun, dito sya nagreview sa manila pero taga baguio talaga sya and dun sya magboboard exam kaya un sobrang wala lang ung first few days, then nung nalaman nilang kailangan ko ng umuwi kasi may completion duty ako sa hospital ayun dun lang kami kumilos at namasyal. Pero kung di pa kmi naschedule nun for completion nagtagal pa sana ako.. hehe...

Malas din kasi nagkasakit ung anak nung friend ko na taga dun and weekend pa un kaya di kmi nakapasyal mabuti.

Anyways ito nlng muna for now. at least pinaalam ko sa inyo ang dahilan ng pananahimik ng blog na ito.. hehe.. :)

Thursday, December 11, 2008

IV Completion

Ako'y nakatira sa Las Piñas, halos Parañaque na nga eh pero nakarating kami sa Dasma Cavite para makapagcompletion for our IV therapy. We had our duty on St. Paul Hospital dun nga sa Dasma. Liit lang pala ang hospital buti nalang medyo marami ang patients kahit papaano. Sa ER (Emergency Room) kami unang nadestino at marami na agad patients kaya nakaturok kami agad. Ginamit namin ang buong araw para di na kmi bumalik dun...Ang layo naman kasi ano. Nagkarating kmi dun past 8 at natapos kami malapit ng maggabi. At dyusmiyo.. pagkatraffic traffic sa cavite. Isipin mo ang layo na nga tapos ang traffic traffic pa.

Pagkatapos uminit ng aming mga pwet, dumaan ako sa haus ng friend ko kasi ininvite nya ako for dinner. Hay whata day... ok lang yun at least success ang IV completion duty namin.. :)

Friday, November 14, 2008

Gusto ko na magkaIV License.. Please???

Hi guys... di nanaman ako nakapagpost... dami kasi work, anyways after nung IV seminar namin, ngayon ay namromroblema kami kung san magcocompletion ng IVT cases. Kasi naman ung Perpetual nexy year pa daw pwede mag completion, mga MARCH. Waahh.. anu un tambay kmi ng ganung katagal???? Haha.. kaya ayun naghahanap kmi ng ibang hospital na kung saan pwede magduty. Tumawag na kami sa ibat ibang hospital pero kami ay bigo.BIGO! Sabi nila di daw pwede pag hindi doon nagseminar sa kanila.. huhu..

Don't tell me mapipilitan kaming sa Perpetual nalang Magcompletion? WHich is sa MArch pa! waah!

Kasi po, kailangan ng IV seminar at completion para makakuha kmi ng IV license which is kailangan ngaun sa mga hospital pag nagapply ka...

Kailangan din ng iba ng BLS (Basic Life Support) training sa RedCross. Tumawag ako kanina, nakuha ko numver sa Internet, Internet nga naman ano, lahat ng numero ng hospital nakuha ko sa net, oh diba, di na kailangan ng yello pages.

Ang schedule daw ay sa November 24 to 25. Hay buti nalang, balak ko kasi pumunta ng Baguio ng end of november, pero hindi pa sure. Gusto ko lang magpahinga, magpalamig, hehe.. Saka bibisita sa ilang friends... :) Sana matuloy ako...

Saturday, November 8, 2008

IV Training

Hi guys, ang tagal ko yatang nawala, panu kasi schedule namin ng IV Therapy, requirement kasi na magka IV Licence ka muna bago magwork sa mga hospitals as a nurse kaya nagenrol ako for that. Three days sya at naenjoy ko naman, kasi libre yung food! nyahahaha!!!

Biruin mo dalawang beses ang snacks, umaga at hapon tapos kasama din ang luch. Oh diba, nasira ang diet ko dun, naisip ko din kasi parte un ng aking bayad kaya di ko pwedeng hindi ubusin ayun!

Ung 3rd day at demo na, nagturukan kami sa isa't isa, hwaaw! ung partner mo at ikaw ay talagang tuturukan ng IV needle sa kamay(metacarpal). Hindi naman ako naoospital, wala pako experience na natuturukan ng IV kaya natakot ako! wah sobrang sakit nun iniisip ko palang napapaaray na ako.

Bale nung turukan moment na ay ako ang napiling maunang tumurok sa aking partner. Kailangan mong mahit ang vein para ikaw ay masabing "in" na. Tinusok ko na ang karayom sa kanyang balat at sobrang nasaktan sya, sinu bang hindi. Nasasaktang nagpipigil, kasi kailangan... feeling ko malalim na ung napasok ko pero wala pa rin backflow ng dugo, dun mo kasi malalaman kung nahit mo na ung vein. Sabi ng instructor, onti pa onti pa.. Sobrang dinahan dahan ko kasi feeling ko nga malalim na ung tinurok ko.

Eh bwisit ung instructor namin, masyado ytang mababa ang kanyang pasensya, lumapit sya sakin at sya ang nagtulak pa ng needle, pagtulak nya ng onti nagkaruon na ng backflow. Nakakainis naman sya, onting tulak ko nalang yun mapapabackflow ko na eh, kundi lang nya naagaw. Ayoko namang magrequest na umulit kasi kawawa naman ung partner ko. Hehe... pero ok naman at least naexperience ko pa rin.

Eto.. nung ako naman ung tinurukan, wahhh!!! pagpasok na karayom an sakit talaga!!! Parang gusto kong manipa! haha! grabe talagang sakit. Ito pang malala, malalim daw ang vein ko kaya parang nahirapan ung partner ko. Akalain mong inagaw nanaman ng instructor ung kamay ko at sya ang nagpatuloy na tumurok, hindi nahanap kaagad kaya nag"fishing" sya. Anak ng tipaklong!!! Kung alam nyo lang kung gano kasakit!!! ang fishing kasi, nasa loob na ung karayom, pag di na hit ung vein, ang ginagawa ay parang kinakalikot ung needle sa loob hanggang sa mahit ang vein, ung tipong parang sa halip na isang way lang ung pagpasok ng needle, tumutusok din sya pakanan, pakaliwa, sa gitna, basta lang mahit ung vein, wawa ako! pero nahanap din ang aking vein, hay... At aray ulit kasi an sakit ng paghugot ng needle.. huhu.. buong araw sumakit ung insertion site, namasa onti, pero that's ok at least marunong na rin kami kahit papano.

Next step, completion na, magduduty kmi sa hispitals para manurok, haha... after matapos ang required number of cases pwede na kami maapply for IV license. Hay sana matapos na... :)

Monday, November 3, 2008

Excited sa Pasko

Alam nyo ba wala pang November may mga nakikita na akong bahay na punong puno na ng christmas lights at decor... Grabe ano, napakaexcited, pero di naman sa kinukutya ko sila... Sabihin na nating talagang excited na sila sa Pasko bagamat Oktubre pa lamang po.

May isa din akong kaibigan na Oktubre palang ay may christmas tree na sa bahay.

Ngayon, marami na sa aking mga kapitbahay ang nagsisipaglagay na ng kani kaniyang dekorasyon at christmas lights sa labas ng bahay, di naman ako nainggit.. pero ang tita ko.. OO...

Nung Nov.1 ay lumabas kmi ng kuya ko, umaasang may bukas na mga computer shops kasi nasira ang isang computer at pasukan na sa Nov. 3 kaya dapat na itong maayos. Sa kasamaang palad, di man inannounce na holiday pero ung ilang shops sa mall ay sarado particular ang computer shops, sinubukan lang namin ng kuya ko eh, syempre mas maganda kung maaayos agad ung computer.

Dahil sa wala namang nangyari ay kumain nalang kami at umuwi na. Paguwi ko nagulat ako at nakatiwangwang na ung christmas tree sa sala. Sabay utos sakin ng tita ko na lagyan ng ko na daw ng decoration. And so, nagayos kami ng christmas tree ng November 1, ang saya ano..., may xmas lights pa un... haha...

Kayo? Excited na rin ba kayo at naglagay na ba kayo ng decorations para sa pasok??? Hehe...


salamat pla kay Batanggerong Vhonne sa award na ito...

May ruls pa ang nasabing award na ito. Idikit ang pangalan ng taong nagMAHAL sa'yo ('yung nagbigay ng award sa'yo). Ilathala sa blag mo. Igawad ang nasabing award sa pitong taong MAHAL mo. At ipaalam sa kinauukulan mga taong ginawadan ng award na sila ay nakatanggap nito.

Friday, October 31, 2008

Happy Halloween...

Tapos na kaming dumalaw sa lolo ko nung isang araw pa kaya dito lang ako sa bahay itong halloween, at eto tinatakot ko sarili ko, nanonood ako sa youtube ng mga videos, hehe...tingnan nyo ung logo ng youTube, pang halloween.. and cute...

share ko lng mga videos na nawindang ako.. tara magtakutan tayo...




mukhang maganda tong movie na toh, hanapin ko nga toh...


kayo na humusga...

Kaninang umaga ako nanuod ng mga videos, ngaung gabi nanood ako ng movie, para bang tinatakot talaga ang sarili, horror kasi ang natipuhan ko. Di ko pa napapanuod ung Amtyville Horror (panghalloween talaga), kaya ayun nanuod ako magisa dito sa laptop ko, patay ang ilaw, malapit ako sa laptop at nakaheadset ako, langya di ko naman sinasabing gusto kong matakot pero mukhang tinatakot ko nga ang sarili ko sa ginagawa ko.

Natakot ako sa movie, creepy talaga... Horror kung horror... ang ganda, pero natakot talaga ako, hehe... halos tumatakbo ako sa kusina nung binalik ko ung baso.. haha, mukha akong baliw, tinatakot ko lang sarili ko, hehe...

Happy Halloween to EveryOne!

Happy 2nd B-day to our Antoine...

Si Antoine, inaanak ko and ng mga friends ko, ung friend ko kasi ginawang ninang at ninong kming close classmates nya nung highschool...

Nakakalungkot dahil di daw sila makakapaghanda itong second bday ni Antoine. Ang hirap ng pangalan nya kaya ginagawa ko nalang Anton pag tinatawag ko sya, hehe... Medyo gipit daw kasi sila ngaun...

So nagplano kming apat na magkakaibigan para sa aming inaanak, gusto namin bigyan sya ng maliit na handaan manlang diba, and at the same time, bonding na rin namin.

October 23 ung bday ni baby pero after 1 week pa namin nagawa ung party kasi busy mga tao. Ayun bumuli lang kami ng food. Cake, pancit palabok, macaroons at ice cream. Bale nagambagan lang kming apat sa food. Actually ilan lang kming nagplano nun, di naman namin akalain na magyayaya ung tatay nung baby ng iba pang friends, hehe.... Ung mga classmates din namin nung highschool ung ininvite nya...

mga magagandang ninangs, nyahahah!





me and Antoine cutey...


Natutuwa ako kay Antoine kasi ang takaw nya, ang cute cute pa.. Nilantakan agad ung isang ice cream na nasa cup, di tinigilan... Tapos natatakam na yata sa cake kasi dinudutdot na ng daliri nya, hehe...


Antoine, naking dutdot the cake, huli ka boy!

nakatatlong blow yan si Antoine, natuwa kasi sa pagbblow... haha.. :)

Ayun... ok naman ung mini celebration, ang sarap ng nabili namin na palabok syet*! Sobrang sarap pramis... an dami kong nakain! At medyo naginuman kasi may mga guys kmi na kasama, eh di nakiinom na rin ako, hehe...

Puro kwentuhan at tawanan, ung mga guys kasi namin ay likas na comedian kaya tawanan kmi ng tawanan, hanggang sa nakatulog na si baby kaya kmi kmi nalng nag natira sa labas... Super sumasakit na kaya ung panga ko sa kakatawa, loko mga un ayaw tumigil sa pagpapatawa... Inabot kmi ng madaling araw, di pa naman ako nagpaalam mabuti, sabi ko lang may pupuntahang birthday, sabay alis agad.

magfoFour a.m. na nun, naisip ko ung tita ko nagigising na ng 4 kaya medyo nagpahiwatig nako na ubusin na nila ung iniinum nila at madaling araw na... Dapat akong makauwi bago magising tita ko hehe... saka baka mamaya maamoy ako kasi medyo uminom din ako...

Mabuti naman hinatid kami nung isang friend namin, nasa isang subdivision lang naman kasi kmi, hay salamat bukas pa ang gate, pagpasok ko, syet* nakabukas na ung ikaw sa kwarto ng tita ko, dali dali akong tumakbo sa kwarto ko, nagmadaling nagayos, at natulog na... Hindi ako nahuli... hehe... Parang walang nangyari...

Sana matuloy ang pinaplano naming Halloween Party.. excited nako makabonding sila ulit..

mga makukulit kong friends, ung nakawhite ang daddy ni Antoine


Wednesday, October 29, 2008

At Ako'y Muling Lalamon

Bukas ay magsisipuntahan ang mga kamaganaks namin dito para sabay sabay kming magvivisit sa lolo ko sa sementeryo, excited nako kasi namiss ko na mga cuz ko eh, magbobonding nanaman kmi, at sino bang mas hindi maeexcite kung may munting handaang magaganap. Hehe.. ako'y muling lalamon dahil mahilig ako sa handaan (dahil sa pagkain), yun ay mini celebration lang pero I'm sure marami pa rin food. Ngaun nga nagluto na agad yung tita ko ng cassava cake para bukas, tinanong ko sya kung pwede nang bawasan, hahaha! Favorite ko kasi un, lalo na ung may latik sa taas, eh sabi nya ok lang daw kasi dalawang malaking tray naman un. So ibig sabihin pwedeng akin na lng ung isang tray tapos ung isa para sa kanila bukas, nyahahahaha!!!! Masiba ba? syempre di ko kayang ubusin un... hehe...

Eto nga't maluluto na ang cassava cake, tamang tama pang merienda.


Mamayang gabi pala alis ako, birthday kasi ng inaanak ko at kasama ko ang mga highschool friends kong ninang din. Actually walang handa, pero kasi naawa naman kmi sa inaanak namin, birthday nya tapos wala manlang gift from his ninangs kaya pupunta kmi sa kanila at magdadala ng gifts, saka food na rin.. hihi.. Nalate kami kasi... last week pa birthday nun eh... haha... Busy kasi kaya ngaun lang nagkaoras...


Kain muna ako cassava cake, hehe.... bye guys..


Monday, October 27, 2008

Final Layout na Pwamis

Nagkwento ako about sa new layout ko - dito - then kanina naisip ko na mas gusto ko ung sidebars nasa isang side lang, which is sa right, kaya ayun, parang nangati kamay ko at nangalikot nanaman ako ng Html codes ng template ko, kaya eto nasa gilid na sila.. hehe...

hi kuya vhonne, natawa ako kasi kausap ko sya knina, binisita nya blog ko, then pagbalik nya maya maya nagulat sya kasi ganito na, hehe, nabago ang layout at may shout box na ako, chat tayu...

goodnight... a.m. na pla... Morning!!!

My New Laptop Bag...

12:30 am na pla.. at umuulan...

di pako inaantok, mahilig kasi ako magpuyat...

ang saya ko, kasi nakabili nko ng bagong laptop bag... gusto ko talaga bumili kasi ba naman ang binili sakin ng mama ko ay parang attache case sa tigas at bigat, hehe... di nmn sobrang tigas pero alam mo un, ambigat kasi nya, onti nlng at magiging kasing bigat na ng laptop ko, hehe... naalala ko tuloy nung dinala ko ung laptop ko sa house ng friend ko, bigat na bigat ako, an sakit sa shoulders.. men! feeling ko mahal yun, pero sorry mami, naappreciate ko ung pagbuy mo nun sakin... baka bigay ko nalang un sa kuya ko pag nagkalaptop sya, laki nmn katawan nya eh, hehe...

attache case??? hihi
may tatak pa ng Saudi sa lower right yan, sa saudi kasi binili ng nanay ko
click to enlarge


balak ko sa CD r King kasi may nakita ako dati dun sa SM tapos mura lang pero nung pagcheck ko knina, maliliit pla sya and ung malalaki naman, (15 inches kasi laptop ko eh! laki ano.... ) pangit ang designs, so nagtry ako lumibot at saktong sakto, may laptop bags sa wellcom, di ko nakita dati un, ibig sabihin bago lang mga un, oh diba, sinuswerte nga naman! then pagtanong ko ng mga price nung isang bag na natipuhan ko, aba ok lang din ang price, mga 600+...

nung nakita ko ung may pagkared, wow gusto ko nun!!! pwamis an cute saka ang gusto ko kasi ung hindi masyado halata ng laptop ung nasa loob ng bag, kaya lang pang 13 inches daw un, pero parang an laki nmn habang tinitingnan ko, huhu... iniisip ko pa di kaya kasya nmn??? Kasi manipis nnmn laptop ko, hehe... sana pla dinala ko laptop ko para masukat...

after 2 years ng pamimili ng iba at pagiisip, nakakita ako ng isa, color blue, cute din nmn at pang 15 inches sya, at nang nalaman kong 390 lang!!!! waaah!!! kuya kukunin ko na yan!!!! hahaha! ang mura! shems! tapos chineck ko sa loob ok naman, may sarili lalagyan ung laptop then an dami nyang ibang lalagyan, basta sulit...

ang aking new laptop bag

an sakit nanaman ng likod ko... hehe

bye...

Sunday, October 26, 2008

My New LayOut...

I just found the perfect layout for this blog... why did I chose this layout??? Kasi kamukha ko ung girl... *feeling cute | Hehe... kamukha ko sya in a way na same kami ng eyes, kasi chinita akow... *ChingChoayLa! Marami nang nagtatanong kung may lahi ako, kung chinese or korean, ganun.... pero sabi ko pure pinoy, at sa surname, San Agustin, anung chinese or korean dun? hehe.. pero sa totoo lang nagdadawang isip ako, di kaya 1/8? 1/16?Nyahaha.. feeling nanaman...

eto ako:
So anu sa tingin nyo?? (feeling ulit, pinagpipilitan..) hehe...

Kasi ung Daddy ko nako yun mas singkit pa sakin, mukha talagang intsik, kaya lang iniwan na nya kmi... (ayoko kong umiyak), Oi di pa sya wala sa mundong ito! andun sya somewhere... I mean nagseparate na sila ng mom ko nung bata ako, ayun... di ko natanong sa kanya kung may lahi ba sya, hehe... yoko naman kayang itanong sa nanay ko mamaya sakalin ako nun, hehe joke lang.. ayun lang nmn, basta as for now, ako'y isang pinoy.. sa puso't diwa, pinoy sa isinilang sa ating bansa... pinoy ako ng pinoy, eh Pinay kaya dapat! ako po'y babae..

anyways, san na ba ako napunta... template pinaguusapan natin.. hehe

Ayun, I just spotted a quite good template for this blog, kaya lang i find it a bit narrow eh, an sikip, di ako makahinga... lalo na sa sidebars, tingnan nyo ung before pic, kaya what i did was to yeh know, make edit sa template codes.. haha... I just learned how to few weeks ago... then ayun, I edited the width of the main wrapper, body and the side bars, ung header tsaka ko na aayusin, sakit na ng likod ko eh, hehe.. ieedit pa kasi un and iuupload ulit, pero ok nmn eh, di na halatang parang naputol, binuking ang sarili.. hehe.. See nyo ung after ok na... Success! Loved my template! :)


I.D. nlng Kase....

I have a friend who's going to take the Local Board Exam for nurses this end of November. Medyo nirereview ko kasi sya sa chat kasi ngkasakit sya, nilagnat then inallergy, ewan dun... ewness!!! joke! love ko sya... :D

After one question, bigla sya nangati, nagkakamot nanaman daw sya... sabi ko wag mo kamutin..

friend: masarap kasi.. nakakarelax..
ako: nyahahaha...
... sabay mamumula yan, tapos mamamantal..

friend: hehe kaya nga eh
ako: anung pinangkakamot mo? suklay nlng...
friend: kamay ko..

ako: magagasgas skin mo sa kuko (ewan ko lang kasi ako matalas kuko ko, pag nagkakamot ako nakikita ko nadadamage and aking skin... parang natatapyas ung balat ganun.. wehehehe-sabi ko lang sa isip pero nag okay nmn sya)

friend: sige hanap lang ako huh?

after two years....

friend: wala ako makita.. i.d. nlng..
ako: ahahaha! hindi ka kasi nagsusuklay pla!!! (semi-kal kasi un)

friend: hehe nangasar pa...

Friday, October 10, 2008

Ulam na Bangus

My bro texted me to call my Terror Lola(nayanig ang mundo), para sabihing di sya makakapunta kasi blah blah blah blah... ayun so tumawag ako, then I informed her about sa bilin ng bro ko, actually nung bata ako dun sya terror, sya kasi nagalaga sakin, aunt sya ng dad ko, pero ngaung malaki na ako at wala na ako puder nya, takot pa rin ako sa tutuo lng, hehe...

Mahirap pag may nagawa kang kalokohan, nakakatakot kasi manermon un... kay pag kausap ko sya, nagpapakasweet ako, ( hi lola, luv yah! parang ganun!) hehe hinde, basta i'm watching my words pag nakakausap ko sya...

So eto na, nasabi ko na ang bilin ni kuya, ok naman... pero medyo nagchikahan pa kmi.. then nagtanong sya, Kumain na ba kayo?!? agad kong sagot...

ako: Ay opo! tapos na po...! (sa aking isipan: OW my gash! di pa pla ako kumain, bat ko sinabing oo!?! - baka kasi pagsabihan pako na gabi na at bakit di pa ako kumakain! nagdidiet kasi ako eh! eh ayaw nya ng hindi kumakain!!! waaaah!!! kaya unconsciously nasabi ko na tapos na... )

Lola: oh... eh ano ulam nyo???

(amf!!!! di ako pumunta ng kusina kaya di ko alam kung ano ang ulam!!!! waaah!!! pero kailangan ko sumagot agad, alangan nmn sabihin kong di ko alam eh I just said na tapos na ko kumain!!)

ako: ah.. Bangus po! hehe...

Lola: bangus? anung luto??

ako: (Pinagpapawisan)... pinirito po...

usapan namin.... etc. etc. at BABA ng phone..

whew! that was close!!! anu bang nagawa ko, imbento ek ek... ewan ko ba ambilis ng pangyayari, di ko na magawang bawiin mga sinabi ko.. ehehe.. takot kasi...

So napaisip naman ako kung anu nga ang ulam namin that night, so pumunta ako ng kitchen, nakatakip na ang ulam at pagbukas ko..... TANTANANAN!!!!! Bangus! Piniritong Bangus! as in fried bangus!!! Nyahahaha!! akalain mo nga naman... tsambalero!!! wahahaha! eh di ang nangyari parang di ako nagsinungaling at nangimbento, hahahaha!!! Love you Lola!!! Hihi...

Sunday, October 5, 2008

Feels Okay...

My Quote: Always bear in mind that your own resolution to succeed is more important than any one thing. - Abraham Lincoln


*start copy here

Feel okay? Well you should be! You’ll definitely be okay if you’re going to be a part of this meme, be okay if you are about to have a chance to increase your Technorati and Google Pagerank!

1. Make others feel good: share your favorite, self made, or any quotes as you pass on this meme with the image above.
2. MAKE SURE TO COME BACK – HERE - (http://www.ifeelokay.com/i-feel-okay-tag-join-now/) to get the master list and leave a comment that you’ve made yourself a part of this meme.
3. Your favorites, self made, or any quotes that you shared are collected and will be linked back to your site as its source, this would give you much benefit. Put a category before your quote. (ex. Inspirational, happiness, love, sweet, time, motivational, friendship, and others), much better if you relate the quote on your blog. Ex. Fashion Blog - quotes about beauty; Personal Blog - quotes about success, life, inspirational and many more. It's your choice.
4. Only one quote and category per blog please, make sure to tag as many bloggers possible. Please update your contributor's list more often. May we achieve thousands of quotes from different bloggers around the world. Let the fun begin. Be a part of a great collection of quotes from different bloggers around the world!!!

Categories and Contributors

(1)BeautyTips,(2)EmjeiSays,(3)Techmobiz,(4)BlackNickel,(5)inspirational stories,(6)iAM-MAi,(7)NeuroPatch, (8)Express4Free, (9)Club101, (10)Earn4aLiving,(11)Love tips,(12)My Touch of Heaven, (13)BigMoneyList (14)A Simple Life (15)Momhood Moments (16)Business Mars (17)Fun|Fierce|Fabulous (18)My Pink Shoelace (19)Rosa’s Meanderings (20)Chronicles & Tales Unlimited (RED) (21)Within Small Bites (22)My Life.... My Journey! (23)Life is good and Beautiful (24)HappyHeart (25)By Osc@r Luiz (26)Reality Notes (27)My so-called Life (28)Kwento ni Enday (29)The Fountain Of Happiness (30)Amazingly Me (31)Caring Is Not Only Sharing... (32)Onabentofrenzy (33)Denz Recreational (34)Pieces of Me (35)My Inner Thoughts (36)Emily's Buzy World (37)Maritima Heavenly (38)Origena (39)BiiterSweet Life (40)Words of Love (41)Pinay Heart Wanderings and Musings (42)BlogScope (43)Unsealing My Mind (44)Program-IT-Jin (45)Mspuzzles (46)Anygen's Journey (47) Best Travel & Tours (48) Ultimate Cooking Guide (49)Me, the Islands and the World (50)Straight from the Heart (51)Never Ending Resolve (52) fragments of thoughts..a piece of life -reyapot (53)LabRat (54)Everettski (55)Pajarolandia (56)SpiritOfTheValley (57)SteelTownEagles (58)ValAlexander (59)LeisureSpecial (60)gLamorousSylph (61)ELSWhere (62)Jeffrey'sLoop (63)LeopardO'Web (64)OpenBookProject (65)TuniTec (66)CranesForPeace (67)CIE-SL (68)Dare to Blog (69)Life Realities (70)WebGeek Journal… (71)Ness (72)WilStop (73)Life: Thoughts & Inspirations (74)On Touching and Saving Lives! (75)Blogger across the universe (76)My wonderful Life (77)Our Growing Family (78)denz Techtronics (79)krchan (80)StoriesInLife (81)Married and Happy About It (82)NetworkOfCombinedIdeas (83)AdventureSage (84)in-TechRevolution (85)Ivory Tasks (86)Best Places to Travel (87)Pinay Mommy Online (88)SeeNRead (89)Random Thoughts (90) My Small World (91)i am Mai (92)Traffic up!!! (93)Health News (94)My Captured Moments (95)Love Text Messages (96)Top Video Hits (97)Top Music Video Hits (98)YOUR BLOG!

- HERE - View the complete list of Quotes by bloggers around the world - HERE -

i feel okay!!! :)

*end copy here

Tuesday, September 16, 2008

i am Mai...

yep, that's what you can call me, I actually have a couple of blogs but I want a blog which I could use on sharing my feelings, experiences, and many much more about myself. Now I'm starting to be excited on my upcoming kwentos and stuffs. See yah on more of my posts!...

Sobre a Felicidade

About This Blog

i am Mai... 2008 © Blog Design 'Felicidade' por EMPORIUM DIGITAL 2008

Back to TOP